-- Advertisements --

Aabot ng 449 claims para sa compensation ng mga health workers na natamaan ng COVID-19 habang nasa duty ang pinoproseso pa lang ng pamahalaan.

Base sa ikalawang buwanang report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso hinggil sa implementation ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), sinabi nito na ang mga naturang health workers ay nakaranas ng mild o moderate cases ng COVID-19.

Makakatanggap aniya ang mga ito ng tig-P15,000 bawat isa alinsunod sa itinatakda ng Bayanihan 2.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaagad na ilalabas ang mga cheke para sa mga healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa oras na maging epektibo na ang inilabas na inihandang guidelines ng Department of Health at Department of Budget and Management.

Magugunita na Oktubre 22 nang ma-publish ang guidelines na ito, at magte-take effect lamang 15 araw matapos itong mailimbag.