-- Advertisements --
Aabot sa 42,493 persons deprived of liberty (PDLs) sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) jails ang nabakunahan na kontra COVID-19, ayon sa DILG.
Ang bilang na ito ay 35 percent ng 122,498 PDLs sa iba’t ibang jail facilities ng BJMP sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa 42,493 PDLs na nabakunahan ng COVID-19, 27,951 dito ang naturukan ng first dose, 7,473 ang bakunado na ng second dose, at 7,069 ang nakatanggap ng singe-dose COVID-19 v accine.
Ang Metro Manila ang siyang may pinakamataas na bilang ng fully vaccinated nang PDLs sa 3,192, na sinundan ng Calabarzon na mayroong 1,853, at ng Northern Mindanao na mayroon namang 1,747.