Apat na mga national candidates ang buwena manong naghain ng kanilang mga Statement of Contribution & Expenditures (SOCE) batay na rin sa batas na pinaiiral ng Comelec.
Kabilang sa maagang nagsumite ng kanilang mga SOCE kung paano ginastos ang mga campaign donations sa nakalipas na halalan ay sina dating PNP chief Guillermo Eleazar na tumakbo sa pagka-senador, mga partylists na Abono, Senior Citizen, Bisaya Gyud party-lists.
Una nang nagbabala si Comelec Commissioner George Garcia na ang deadline ng filing ng SOCE ay sa June 8 o nasa 30 araw makalipas ang halalan.
Ito aniya ay wala ng extension pa.
Ang pagsumite ng SOCE ay mandatory sa lahat ng mga kandidato kahit sila ay natalo.
Ang mga nanalong kandidato naman na bigong makapaghain ng spending report ay hindi makakaupo sa pwesto.










