Kinasuhan na ang 4 na suspek sa concert hall masaccre na kumitil sa 137 katao noong Biyernes.
Lahat ng 4 na suspek ay kinasuhan ng terorismo at habambuhay na pagkakakulong.
Kinilala ang mga salarin na sina Dalerdzhon Mirzoyev, Saidakrami Murodali Rachabalizoda, Shamsidin Fariduni at Muhammadsobir Fayzov.
Itinakda ang pre-trial detention ng mga ito hangang sa Mayo 22 subalit maaaring mapalawig depende sa petsa ng pagdinig sa kanilang mga kaso.
Ayon sa Basmanny district court, 2 sa defendants ang nag-plead ng guilty at ang isa naman mula sa tajikistan ay umamin sa kaniyang kasalanan.
Nangako naman si Russian President Vladimir Putin na papanagutin ang mga nasa likod ng tinawag niyang barbaric terrorist attack.
Una rito, noong Sabado naaresto ang 4 na gunmen habang sinusubukang makatakas ng mga ito patungong Ukraine.
Itinanggi naman ng Kyiv ang pagkakasangkot nito sa pag-atake sa Russia.










