-- Advertisements --
Arestado ang apat na drug suspek na nakuhanan ng nasa P102,000 halaga ng hinihinalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Novaliches, Quezon City.
Kinilala ni Quezon City police director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga suspeks na sina John Ray Jongay alias Aldrin, 30, ng Brgy. Sta. Monica; Vincent Delos Reyes, 30, residente ng Caloocan City; Rolly Seva, 26, isang Grab driver at Louie Lumabi, 26, pawang mga residente ng Brgy. Kaligayahan.
Nakuha sa mga suspeks ang nasa 15 gramo ng shabu na may estimated value ng P102,000, improvised tooter, cellular phone at buy bust money.
Sasampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek.