CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagsisikapan pa ng rescue teams na binuo ng mga peronsahe mula disaster risk reduction manangement office at Bureau of Fire Protection upang mailabas sa loob ng kuweba ang natitirang tatlo sa apat na umano’y treasure hunters sa Sitio Tinago,Brgy Cabandiangan,Kadingilan,Bukidnon.
Kasunod ito ng kompirmasyon ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Navarro na naiahon na ang isa sa mga bangkay na kinilala na si Ivan Rey Gallardo,22 anyos na residente sa syudad ng Valencia.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya,naghuhukay umano ang walong katao sa loob ng kuweba nang biglang mayroong tinamaan sa kanilang dala-dala na gamit na sanhi na mayroong pumutok kaya nagkaroon ng makapal na usok.
Nagsilabasan umano ang mga ito sa yungib subalit kinapos ng hangin ang apat sa kanila kaya napaulat na nasawi at sinikap mailabas para mabigyan ng maayos na burol.
Sa ngayon,patuloy ang imbestigasyon na isinagawa ng pulisya kung wala bang ‘foul play’ sa sinapit ng mga biktima sa nabanggit na paghahanap ng kayamanan sa kuweba noong Marso 10, 2024.