-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa mga katawan ang apat katao matapos magbanggaan ang dalawang sasakyan sa pakurbadang daan sa Gabut, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya kaninang tanghali

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang Mitsubishi L300 na may plakang UKX 452 ay binabagtas ang daan patungong Hilagang Direksiyon habang ang kasalubong na Totota Tamaraw FX na may plakang TTP 974 ay umanoy umagaw ng linya sa pakurbadang daan na nagsanhi ng banggaan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng multiple injury ang L300 van driver na si Felipe Ancheta Cayugan, 38 anyos, may-asawa at ang pasahero nito na si Collin Rey Ancheta, mag-aaral at kapwa residente ng Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya

Nagtamo rin ng multiple injury ang tsuper ng tamarraw fx na si Nestor Carpio, 57 anyos, may-asawa at residente ng Pilpiloy, Pito, Bokod, Benguet at ang pasahero nito na si Denver Leaño, 61 anyos, may-asawa at residente ng Bobok-Bisal, Bokod, Benguet.

Ang dalawang tsuper at mga sakay ng dalawang sasakyan ay agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng MDRMMO Aritao at Dupax Del Sur.