-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Itatalaga ni Cotabato City Mayor-elect Bruce Dela Cruz Matabalao ang apat na deputy mayors.

Ito ay kauna-unahang pagkakataon na nangyari sa syudad ng Cotabato.

Ang mga deputy Mayors ang siyang tututok sa mga pangangailangan ng Muslims, Christians, IPs at Chinese sa lungsod.

Ito ang unang hakbang na gagawin ni Mayor Matabalao sa pagpasok ng UBJP Administration simula tanghali ng June 30, 2022.

Ito umano ay bahagi ng panata ni Matabalao na siya ay magiging “Mayor para sa lahat”.