-- Advertisements --
Tatanggapin umano ni Heart Evangelista kung ano man ang itinadhana sa kanya ng Diyos pagdating sa motherhood.
Pahayag ito ng 35-year-old actress nang matanong ng kanyang “follower” kung plano pa ba nito na magkaroon ng sariling tsikiting sa asawan si Sorosogon Gov. “Chiz” Escudero.
Ayon kay Heart o Love Marie sa tunay na buhay, tiwala naman ito sa mga plano ng Panginoon sa bawat tao at magiging masaya naman siya sa nakalaan para sa kanya.
Nabatid na dalawang beses nang dumanas ng miscarriage si Heart, pero nananatiling close sa 12-year-old twins ng kanyang 50-year-old husband mula sa dating misis.