-- Advertisements --
Kabuuang 336 overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa Pilipinas ngayong araw ng Linggo, ayon sa DOLE.
Sa isang Facebook post, sinabi ng DOLE na dumating ang naturang mga OFWs sa NAIA Terminal 1 kaninang alas-10:30 ng umgaga.
Sa kanilang pagdating, nakatanggap ng pasalubong ang mga OFWs bukod pa sa cash gifts mula sa DOLE at OWWA.
Ang mass repoatriation flight mula Kuwait ay bahagi ng “Pamaskong Handog sa OFW” program ng dalawang ahensya ng pamahalaan.