-- Advertisements --

NAGA CITY – Kasalukuyang naka-isolate ang halos 30 pulis sa Pili, Camarines Sur, matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID) ang isa sa mga personnel dito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Lt. Fatima Lanuza, spokesperson ng Pili-Municipal Police Station, sinabi nito na una nang nagpositibo sa rapid test ang isa sa kanilang policewoman kaya agad itong isinailalim sa swab test at doon na nakumpirma na positibo talaga ito sa COVID.

Nabatid na naka-lockdown na rin ang isang himpilan sa nasabing bayan kung saan 20 Philippine National Police personnel ang naka-quarantine dito.

Tinatayang 10 naman ang naka-home quarantine matapos na magkaroon ng contact sa pasyente.

Sa ngayon pansamantala munang nasa Pili Municipal hall ang ahensya upang patuloy na magbigay ng tulong at sebisyo sa mga mamamayan.