-- Advertisements --
KHARTOUM – Patay ang tatlong katao matapos barilin ng mga pulis sa kasagsagan ng malawakang kilos protesta sa Sudan.
Nabatid mula sa mga witnesses na gumagamit ng tear gas at nagpapaputok din ng baril ang security forces laban sa mga nakikibahagi sa kilos protesta.
Ayon sa Central Committee of Sudanese Doctors, tatlong katao ang patay matapos barilin ng security forces sa twin city ng Khartoum na Omdurman.
Aabot naman anila sa 38 katao ang sugatan.
Mariing itinaggi naman ng Sudanese police ang pamamaril sa mga nagra-rally.
Sa katunayan anila, ang kanilang mga kasapi pa nga ang siyang nagtamo ng mga sugat. (Reuters)










