-- Advertisements --
image 7

Umabot sa tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang bata ang namatay sa panibagong airstrike na isinagawa ng Russia sa Kyiv, ang Capital ng Ukraine.

Matatandaang sinimulan ng Russia ang serye ng airstrike noon pang araw ng Lunes.

Ayon sa Kyiv City Military Administration, ang mga batang namatay ay tinatayang may edad na 5 hanggang 13 taong gulang.

Maliban sa tatlong namatay ay nakapagtala pa ng sampung kataong nasugatan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang pambobomba ng Russia sa Capital ng Kyiv, na nagdudulot ng pangamba sa mga residente.