-- Advertisements --

SEOUL – Nadagdagan pa ng tatlo ang Omicron coronavirus variant cases sa South Korea, dahilan para umakyat na ito sa ngayon sa 12, ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA).

Kahapon, 5,128 new COVID-19 cases ang iniulat ng KDCA, bahagyang mas mababa kaysa 5,352 isang araw ang nakararaan.

Kabuuang 473,034 cases na ang mayroon ang South Korea, at 3,852 dito ang tuluyang binawian ng buhay.