-- Advertisements --

DAVAO CITY – Doble alerto ang ahensya ng City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMC) matapos ang sunod-sunod na malakas na pag-ulan sa lungsod

Ayon kay Alfredo Baluran, operation head ng CDRRMC, mahigpit ang kanilang monitoring sa mga ilog ng siyudad lalo na at nakaranas ng pagbaha ang lungsod nang bumuhos din ang ulan sa nakaraang araw.

Nasa sa tatlong pamilya o katumbas ng 17 indibidwal naman ang inilikas sa Sitio Bola Catalunan grande nitong lungsod matapos na nakaranas ng landslide ang lugar kung saan isang bahay ang partially damage.

Sa ngayon ay ay ipinatupad na ang evacuation sa mga residente dahil malaki pa rin ang posibilidad na masundan ang pagguho n lupa sa lugar dahil sa mga pag-ulan.