-- Advertisements --
Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pakistani national na nagtatrabaho sa bansa na walang kaukulang employment permits at visas.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek ay sina Zada Rahim, Ali Sajid at Muhammad Salim na nagtatrabaho bilang cashier at helpers.
Ang mga suspek na sina Zada at Ali ay nadakip ng Mindanao intelligence task group (MITG) ng BI sa Buner Appliances Store sa Governor Lim Avenue, Zamboanga City habang si Muhammad ay naaresto naman sa kanilang branch.
Ipinag-utos na ni Morente na magsagawa ang BI ng deportation proceedings laban da tatlong banyaga.
Kasalukuyang nakaditine ang mga suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.