-- Advertisements --
Ipapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang tatlong online lending firm.
Ang mga ito ay ang Peso Tree, Pesoalo at Pinoy Cash Loan dahil sa iligal na pag-operate.
Hindi kasi nakarehistro ang mga ito bilang corporations at wala ni isa sa kanila ang humahawak ng certificate of authority para makapag-operate bilang lending company.
Inatasan din ng SEC ang mga ito na tigilan na ang ginagawan nilang pag-advertise sa internet at sa mga social media platform.
Magugunitang umabot na sa 48 na online lending company ang ipinasara ng SEC dahil sa iligal na operations.