Arestado ang tatlong hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos makasagupa kaninang umaga ng mga tropa ng 61st Infantry Battalion ang grupo ng Suyak SDG sa ilalim ng Southern Front, Komiteng Rehiyon, Panay sa may barangay Mulangan, Igbaras, Iloilo.
Bukod sa paghuli sa tatlonng NPA members, nakarekober din ang militar ng nasa siyam na improvised explosived device.
Tinurn-over na ng militar sa Igbaras PNP ang tatlong nahuling NPA members at ang mga narekober na pampapasabog.
Ibinunyag naman ni 61st IB, Commanding Officer Lt Col. Sisenandi Magbalot Jr., na may natanggap silang impormasyon na na may nilulutong terroristic activity ang komunistang rebelde.
Habang ang mga narekober na IED ay target umano nito ang mga sasakyan o ang planong roadside bombing.
Ayon pa kay Magbalot ngayong nalalapit na ang anibersaryo ng teroristang grupo, hindi malayo na maglulunsad ng pag-aatake ang teoristang grupo.
Sa darating na March 29 ang ika-50th anibersaryo ng NPA.
““Let the NPA terrorists celebrate their non-sense anniversary runningâ€, pahayag ni Lt. Col. Magbalot.
Pinag-iingat naman ni 3rd Infantry Division Commander MGen. Dinoh Dolina ang mga tropa na palakasin ang seguridad sa pagtugis sa komunistang grupo.