-- Advertisements --

Karagdagang 3 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa ngayong araw ng Linggo, Setyembre 26, 2021.

Bago sumapit ang alas-6:00 ng gabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang naturang shipment.

Sa ngayon, mahigit 69 million doses na ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas.

Marso 1 nang opisyal na sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito.

Kabilang sa mga brands na dumating sa bansa ay ang Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik V.