Nasa 3 million senior citizens pa ang hindi nababakunahan kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Hanggang noong Nobyembre 27, lumalabas sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na 4.4 million senior citizens na ang nakatanggap ng first dose habang 5.1 million naman ang fully vaccinated na.
Ang bilang naman ng mga nakatanggap na ng kanilang booster dose ay nasa 48,491 na.
Sa kabila ng marami pa rin sa mga senior citizens ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19, sinabi ni Galvez na ang mga local government units ay nagpapatupad naman ng mga istratehiya tulad nang pagbibigay ng incentives at pagbabahay-bahay sa pagbabakuna.
Makakatulong naman para lalo pang mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna kung magkakaroon ng restrictions sa galaw ng mga hindi pa bakunado.