Tinanggal ng organizers ng Miss Philippines Earth (MPE) pageant ang tatlong kandidata dahil sa paghihigpit sa strict requirement.
Ayon sa organizers na kanilang tinanggal sina Designer Angela Okol ng Surigao, singer-model Cess Cruz ng Antipolo at model Renee Coleen Sta. Teresa ng Batangas dahil sa bigo silang pumasa sa height requirement.
Sinabi naman ni MPE organizer Lorraine Schuck na pinanindigan nila ang kanilang desisyon dahil sa batikos na kanilang natatanggap.
Nakasaad kasi sa requirement na dapat mayroong minmum height na 5 foot 4 ang taas.
Isinagawa ang aktual na pagsusukat ng tangkad sa MPE base sa Carousel Mansion sa Mandaluyong City bago ang pag-anunsiyo ng top 20 na sasabak sa 22nd edition ng Miss Philippines Earth ngayong Hulyo 15.
Sa kani-kanilang mga social media post, naglabas ng kanilang pagkadismaya ang mga tinanggal na kandidata dahil nasayang ang mga oras at panahon na iginugol para makasali sa nasabing mga pageant.
Paglilinaw pa ni Schuck na kahit na marami ang nananawagan na tanggalin na ang height requirement ay hindi nila ito gagawin dahil sa matagal na nila itong ipinapatupad.
Pinasalamatan na lamang nito ang mga tinanggal na kandidata at tiniyak nito na mananatili ang mga larawan at videos ng mga ito sa MPE websites at mga social media pages nila.