-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kasunod ng pagsuko ng ilang benepisyaryo ng good conduct time allowance (GCTA), tatlong convicted criminals din ang sumuko sa pulisya sa Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat, boluntaryong lumapit sa Bayombong Police Station si Lauro Guyod.

Noong Enero nang makalaya si Guyod mula ng sintensyahan sa patung-patong na kasong murder, homicide, double frustrated murder at grave threat.

Sa Bambang Police Station naman sumuko sina Manuel Antonio at Vicente Antonio.

Noong November 2014 naman daw nakalaya si Antonio habang 2010 nakalabas ng New Bilibid Prison si Vicente.

Parehong murder ang kaso ng dalawa.