-- Advertisements --

Tumipa ng 29 points si Tyler Herro at 27 points naman ang kay Jimmy Buttler sa multi-dimenssional offensive attack ng Miami Heat para igupo ang Utah Jazz, 118-115.

Kumamada si Kyle Lowry ng 20 points sa kanyang nagawang triple-double para sa Heat.

Ang Heat ay nakapagtala ng 60.3-percent shooting overall at 52.4-percent accuracy naman sa 3-pointers.

Sila ay mayroon nang anim na panalo sa nakalipas na pitong laro.

Nanguna si Donovan Mitchell sa lahat ng mga scorers bitbit ang kanyang 37 points para sa Jazz, na mayroon three-game winning streak bago pa man tinalo ng Heat ngayong araw.

Sa huling 2:50 ng third quarter, nagawa pang itabla ni Mitchell ang scores gamit ang kanyang floater.

Pero binasag ni Dewayne Dedmon ang tie nang makagawa ng three-point play, habang namuro naman sa 3-pointers si Lowry at Herro sa 13-4 quarter-ending burst na nagbukas sa nine-point lead ng Heat.

Hindi nagpatinag ang Utah at nagawa pang ilagay ang scoring sa 115-113 dahil sa 3-pointer ni Mike Conley sa huling 19.8 seconds.

Pero dahil sa pinagsamang free throws nina Herro at Buttler, lumamang na ulit ang Heat at kalaunan nanalo sa laro.