-- Advertisements --

Nakatakdang sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong linggo ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP).

Pahayag ito ni DSWDS Undersecretary Glen Paje kasabay ng pagsasabing tinatapos na lamang nila ang validation sa mga pangalan ng benepisyaryo.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Usec. Paje na sisimulan nila ang pamimigay ng SAP sa mga beneficiaries sa mga listahang dumaan na sa verification.

Ayon kay Usec. Paje, isusunod nilang mabigyan ang mga lugar na nakapagsagawa na ng validation process ng mga benepisyaryo.

Inihayag ni Usec. Paje na kinailangan nilang gawin ang validation and verification process para matiyak na walang mado-doble sa makatatanggap ng ayuda at mapunta ito sa dapat na benepisyaryo at tunay na apektado ng krisis.