-- Advertisements --
Aabot na sa 28.72 million Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 magmula noong Marso nang unang gumulong ang bakunahan sa bansa.
Ang bilang na ito ay katumbas sa 26.34 percent ng populasyon sa Pilipinas.
Pero malayo pa rin ang bilang na ito sa 90 million na sinasabi ng mga health authorities na kailangan mabakunahan kontra COVID-19 upang sa gayon ay magkaroon ng herd immunity sa Pilipinas.
Base sa datos ng pamahalaan hanggang noong Nobyembre 4, natukoy na 33.76 million Pilipino o 30.96 percent ng populasyon ang naturukan ng first dose.
Ang daily average naman ng naituturok na bakuna sa huling pitong araw ay aabot sa 608,878, malayo sa 1.5 million shots na target ng gobyerno na maituturok sa kada araw.










