-- Advertisements --

Naabot ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang P500 milyon na target sa gross sales.

Ito mismong ang masayang inanunsiyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chief at MMFF overall chairman Romando Artes.

Itinuturing pa nito na ang MMFF ay isang box-office.
Magugunitang walong pelikula ang kalahok na ipinalabas mula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2023.

Nanguna sa mga pelikulang may malaking kita ang “Deleter”, “Family Matters”, “Labyu with an Accent” at “Partners in Crime”.