DAVAO CITY – Sasampahan na ang kaso ang dalawang pulis kabilang na ang ilang mga indibidwal matapos aktong nahuli na nagsasabong sa Barangay Dahican, Dakbayan Mati, Davao Oriental.
Matapos makatangggap ng impormasyon ang otoridad patungkol sa ginagawang sabong malapit sa bahay na pagmamay-ari ng isang Noel Escasinas, agad nila na isinagawa ang operasyon para mahuli ang mga nagsusugal.
Naabotan nila mismo sa lugar ang ingay ng mag nagsasabong at ng mapansin ang presensiya ng kapulisan, nagkagulo ang mga tao at nagtakbohan.
Ilan sa mga ito ang nahuli kabilang na ang dalawang police na nakilalang sina Police Corporal Linwell Salvaña ug Police Staff Sergeant John Declem Soriano, na parehong nadestino sa Provincial Intelligence Unit sa Davao Oriental Police Provincial Office.
Kabilang rin sa nahuli ang isang Noel Escasinas na kapatid ng kasalukuyang Barangay kapitan kung saan ang mga ito ay parehong mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o Cockfighting Law of 1974.
Narekober sa lugar ang mga manok pansabong at pera na aabot sa P170.
Parehong nakakulong ngayon ang mga ito sa Mati City Municipal Police Station.