-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao at limang iba pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Washington DC.

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng umaga sa intersection ng 7th at P Street Northwest malapit sa Kennedy Recreation Center.

Sinabi ni Metropolitan Police Executive Assistant Chief Jeffrey Carroll na ang mga biktima ay pawang mga nasa hustong edad na.

Mabilis namang tumakas ang hindi na nakilalang suspek matapos ang nasabing pamamaril.

Inaalam din ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.