-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Labis ang pagdadalamhati ng pamilya Ramoga matapos dalawang miyermbro ng kanilang pamilya ang namatay sa sunog at tatlo naman ang sugatan, kaninang umaga.

Kinilala ni District Fire Marshall Fire Supt Allan Cabot ang mga nasawi na sina Vomidiano, 64, may kapansanan at ang apo nitong 11 taong gulang na si Chester.

Sinabi ni Cabot na hindi nagtamo ng malubhang sunog ng katawan ang mga biktima subalit suffocation ang ikinamatay nito dahil nagmula ang sunog sa kanilang sala at natrap ang dalawa dahil walang ibang daanan palabas ang kanilang bahay.

Aniya, dalawang anggulo ang iniimbestigahan ng mga otoridad na naging sanhi ng sunog.

Kabilang dito ang pagbebenta ng tinging butane ng pamilya at electricial short circuit.

Umanot sa second alarm ang sunog kung saan nagkakahalaga sa P200,000 ang structural damage.