-- Advertisements --
Matagumpay na nailigtas ang dalawang lalaki matapos na sila ay mahulog sa tanke na puno ng tsokolate sa Pennsylvania.
Naganap ang insidente sa factory ng Mars M&M sa Pennsylvania.
Agad na dinala ang mga ito sa pagamutan kung saan ang isa sa kanila ay isinakay pa sa helicopter.
Kinailangan pang butasan ng mga rescuers ang gilid ng tangke para mailabas ang mga biktima.
Inaalam pa ng mga otoridad kung paano nahulog sa tangke ang mga biktima.