-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Naging maiinit ang tagpo sa session ng mga konsehal sa Cagayan de Oro City nitong nakalipas na Lunes, Hulyo 22.
Ito ay matapos na magsuntukan umano ang dalawang konsehal na sina Kagawad Mario Diaz at Kagawad Elmer Cotiamco.
Sinabi ng kapitan na si Wendelyn Escobia na nagsimula ang gulo nang may mga paratang na ipinukol si Cotiamco laban kay Diaz na nagresulta sa kanilang pag-aaway.
Ngunit pareho namang tumanggi ang dalawang konsehal kung sino sa kanila ang nagsimula ng gulo.
Ipapatawag ni Escobia ang dalawa upang resolbahin ang kinakaharap na sigalot.