-- Advertisements --
Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi matapos na mahulog sa runway ang isang cargo plane sa Hong Kong airport.
Natukoy ang naturang sasakyang panghimpapawid na Boeing 747 cargo plane na madulas sa runway ng Hong Kong International Airport.
Ito ang naging dahilan kung bakit tuluyan itong nahulog sa bahagi ng katubigan.
Nilinaw naman ng mga otoridad na ang mga nasawi ay hindi sakay ng naturang cargo plane .
Sakay ito ng isang petrol car na nahulog sa runway kasabay ng naturang aircraft.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng nasabing insidente .










