Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga interesadong COVID-19 frontliners sa Cebu, na magpa-rehistro na para makapag-avail ng mga magbubukas na dormitoryo para sa kanila.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni Robredo ang pagsisimula nang operasyon ng OVP Dorm sa Mandaue City at Talisay City bukas.
“Dorms 2 and 3 first day of operations will be tomorrow but applications period starts today. Because of social distancing requirements, slots are limited. Reservations will be on a first come-first served basis.”
Nitong Lunes nang magbukas na ang unang dorm ng Office of the Vice President (OVP) sa Brgy. Banilad, Cebu City.
Ayon kay VP Leni, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga bubuksang dormitoryo ng kanyang tanggapan, at mga partner mula sa pribadong sektor.
Bukod sa libreng dorm, sinimulan na rin ng OVP ang libreng shuttle service para sa Cebu frontliners.
“Please stay tuned for further announcements regarding opening of new dorms and new routes of our shuttle buses.”
Ang mga inilunsad na inisyatibo ni Robredo ay bahagi ng “Bayanihan Sugbuanon,” na COIVD-19 response operations ng OVP para sa Cebu.
Kamakailan nang ianunsyo ng Department of Health (DOH) na isa ang Cebu, partikular na ang Cebu City, sa may mataas na numero ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.