-- Advertisements --

Patay ang dalawang kataoo matapos ang ginawang pamamaril ng isang kadete sa isang military training center sa central Japan.

Naganap ang insidente sa Ground Self-Defense Force kung saan isinasagawa ang live-fire training exercise sa shooting range ng Hino City sa Gifu prefecture.

Bukod sa dalawang kadete na nasawi ay sugatan rin sa insdiente ang ilang mga katao.

Ang dalawang biktimang nasawi ay nasa edad 25 at 52 habang ang sugatan ay isang 25-anyos na lalaki.

Nagsasagawa na ng malalimnag imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insdiente.