-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kung hindi sa susunod na buwan ay susunod na taon pa balak ng kapwa guro na sina Kenneth Roy Palermo at Vanessa Jane Aquino na kapwa 28 taong na magpakasal.

Matatandaang marami ang kinilig sa marriage proposal ng magkasintang ito na isinabay sa SOCCSKSARGEN REGIONAL Athletic Association Meet 2024 dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Palermo na bago ang opening ng SRAA Meet 2024 ay kanyang kinunsabo ang mga kasamahang guro na mga technicial officials rin ng swimming competition upang isorpresa ang girlfriend na si Vanessa.

Nagtagumpay naman ang pag-alok nito ng kasal matapos na ibinigay sa kanya ng girlfriend ang matamis nitong ‘oo’.

Sinabi ni Teacher Vanessa, sa umpisa ay inakala nitong siya i-pinrank lamang ni Teacher Roy.
Aniya, doon na ito naniwala ng makita ang engagement ring na hawak ng boyfriend at tinanong siya nito ng mga salitang ” Will you mary me”?
Si Teacher Roy ay nagtuturo sa Maribel 3 Elementary School habang si Teacher Vanessa Jane naman ay sa Hanoon Elementary School, parehong nasa sa Koronadal City.

Hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga kasamahang guro ng magsing-irog dahil sa sobrang kilig.
Ayon sa mga ito, handa silang maging ninong at mga ninang ng dalawa.