-- Advertisements --

LAOAG CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang dalawang dating miyembro ng New Peopleas Army.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Col. Roger Digmayo, ang tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INNPO).

KInilala naman ni Digmayo ang mga sumuko na sina Ka Rino ken Ka Greg.

Sinabi nito na si Ka Rino ay sumuko sa 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) kasama ang spring field garand rifle na mayroong 15 na bala.

Si Ka Greg naman ay sumuko sa provincial intelligence unit ng INNPO, at ito ay dating kasapi ng communist terrorist group o Kilusang Larang Guerilla at kasalukuyang nasa ilalim ng “Alyansa dagiti Mannalon iti Ilocos Norte”.

Inihayag ni Digmayo na isinuko rin ni Ka Greg ang caliber 9mm submachine gun na mayroong walong bala.

Nabatid na si Ka Rino ay tubo sa probinsya ng Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Marcos habang si Ka Greg ay tubo naman sa Sto. Domingo Ilocos Sur at naninirahan naman ngayon sa Badoc.