Magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng dalawang buwang toll discount para sa mga Public Utility Vehicle (PUV), bus, at freight trucks o logistic vehicles simula sa Lunes, Marso 23 hanggang Mayo 22.
Ito ay lingguhang rebate para sa mga kuwalipikadong sasakyang may RFID upang maibsan ang taas-presyo ng langis. Kasama rito ang mga jeepney (Class 1), bus (Class 2), at trucks (Class 3).
Ang discount amount o rebates para sa Class 1 (Jeepneys) ay maaaring makatipid ng hanggang P18 sa bawat end-to-end trip.
Para sa Class 2 (Buses), hanggang P47 bawat trip at sa Class 3 o Trucks ay hanggang P72 bawat trip.
Ibibigay ang diskwento sa pamamagitan ng lingguhang rebate sa mga RFID account tulad ng Easytrip.
Kailangan lamang mag-rehistro sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at dapat hindi kasali sa ibang toll discount programs.
Ang hakbang na ito ay tugon ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa gitna ng tension sa Middle East.















