GENERAL SANTOS CITY – Nagbigay ng pahayag ang hepe ng Makar Police Station na si Police Major Dennis Yuson Jr. hinggil sa napatay nga 18-taong gulang na dalaga sa Purok 5 Lanton, Barangay Apopong dito sa lungsod ng General Santos.
Pinalalakas na rin ngayon ng pulisya ang ebidensya laban sa natukoy nilang person of interest sa pangyayari.
Dagdag pa ni Police Major Yuson na hinihintay na lamang nila ang resulta ng isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) para pormal ng maisampa ang kasong murder laban sa umano’y dating nobyo ng biktima na itinurong pangunahing suspek sa krimen.
Nabatid na hiniwalayan umano ng biktima ang nasabing lalaki at noong nakaraang linggo lang ay natagpuang patay si Cheery Han Sanchez sa kanyang tinitirhan at binawian ng buhay sa pamamagitan ng pananakal gamit ang kable ng kuryente.