-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang $175 million (P8.8 billion) loan ng Pilipinas para makatulong sa pagpondo para sa pagtayo ng tatlong bagong tulay sa Marikina River.

Sa isang statement, sinabi ng ADB na ang bagong climate-resilient na ito ay makakapagpabuti at makakatulong sa decongestion ng traffic sa Metro Manila.

Ayon sa ADB, ang Metro Manila Bridges Project ay magtatayo ng mga tulay na may kabuuang haba na 3,024 meters sa Marikina River, kabilang na ang Marcos Highway – St. Mary Avenue Bridge, Homeowner’s Drive – A. Bonifacio Bridge at Kabayani Street – Matandang Balara Bridge.

Ang mga tulay na ito ay nakadisenyo para mabawasan ang flood risk at ma-absorb ang mga pagyanig gawa ng mga lindol.

Bahagi ang proyektong ito ng Build, Build, Build program ng pamahalaan ng Pilipinas.