Bilang paghahanda sa pagtanggap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients matapos irekomenda ng Department of Health (DoH), nagdagdag na ang Philippine General Hospital (PGH) ng kanilang hospital beds para sa mga magpopositibo sa naturang sakit.
Mula sa dating 130 ay ginawa na itong 150 beds.
Una rito, tinanggap na ng naturang pagamutan ang request ni DoH Sec. Francisco Duque III na gawing National Capital Region (NCR) COVID-19 Referral Center ang naturang ospital.
Kasama rin dito ang Lung Center of the Philippines at Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.
Inaasahan namang matatapos na ang paghahanda sa mga referral centers sa loob ng isang linggo.
Inilalatag kasi ng mga ospital ang kanilang formulation para maging efficient at epektibo ang flow ng management para siguruhin ang kaligtasan ng pasyente ang mga healthcare workers.
Sa ngayon, isang Covid patient pa lang ang naka-confine sa PGH.