-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Ipinagkaloob ng 5th infantry Division Philippine army ang livelihood assistance para sa 15 rebel returnees na nagkakahalaga ng Php20,000.00.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information and Media Specialist Rose Ann Ballad ng 5th Infantry Division Philippine army na nakatanggap ng tig-Php20,000.00 ang nasa labing limang rebel returnees kung saan isinagawa ang pagmamahagi ng tulong sa Cagayan Provincial Capitol.
Ang naturang livelihood assistance ay ipinamahagi ng militar katuwang ang Provincial Development Office ng Cagayan.
Sa kabuuan ay umabot sa mahigit Php300,000.00 ang naipamahaging tulong pinansiyal para sa mga sumukong dating kasapi ng NPA.