-- Advertisements --

Aabot ng 1,300 overseas Filipino workers (OFWs) ang hindi pinayagang makapasok sa Hong KOng kasunod nang pagsuspinde sa pagpapasok ng mga biyahero mula Pilipinas, India, at Pakistan sa loob ng dalawang linggo dahil sa iang COVID-19 strain, ayon sa POEA.

Sinabi ni POEA Administrator Attorney Bernard Olalia na kalahati ng 2,600 manggagawa na papunta sanang Hong Kong ang apektado ng travel restrictions na ito.

Gayunman, sinabi ni Olalia na patuloy naman ang pagproseso at pagbibigay nila ng Overseas Employment Certifications (OECs) kahit pa mayroong travel ban sa ibang mga bansa.

Bago nagkaroon ng pandemya, aabot aniya sa humigit kumulang 13,000 Pilipino ang pupunta sa Hong Kong kada buwan para magtrabaho.

Bumaba ito sa 2,600 kada buwan dahil sa lockdown restrictions bunsod ng pandemya.