-- Advertisements --

Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na mabuksan na ulit ang mga gyms sa ilalim ng implementasyon ng alert level systems.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, iminumungkahi nila sa ngayon sa IATF na payagan ang reopening ng mga gyms pero sa 10 percent capacity lamang.

Ayon kay Lopez, “nakakataas” ng immunity ng isang indibidwal ang pag-ehersisyo.

Sa oras na payagan ang muling pagbubukas ng mga gyms, sinabi ng kaliha posibleng obligahin nila ang mga operators na maglagay ng mga air purifiers.

Samantala, hintayin na lang din aniya ang guidelines para sa paggamit ng mga face shields na nakataka nilang ilabas “as soon as possible.”