-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Masuwerteng nakaligtas ang tatlong katao sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Bagamat nasugatan ang isa sa kanila kung saan kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang biktima nga si Jupiter Salih.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tinatahak ng mga ito ang national highway papunta sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, ngunit pagsapit sa Brgy. Pigkalagan ay dito sila binaril ng mga hindi pa nakilalang mga suspek.

Sugatan si Salih sa naturang insidente habang nakatakas naman ang dalawang kasama nito.

Inaalam pa ng mga otoridad ang kanilang mga pagkakakilanlan upang mapabilis ang takbo ng imbestigasyon.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa bahay-pagamutan si Salih, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang mga suspek sa nangyaring pamamaril o ang motibo sa paggawa ng krimen.