-- Advertisements --

LA UNION – Naka-engkwentro ng isang platoon ng 81st IB, PA ang mga 15 fully armed members ng Komiteng Larangang Gerilya-South Ilocos (KLG-SIS) sa Sitio Bito, Brgy Poblacion, Suyo, Ilocos Sur noong Hulyo 25.

Batay sa report, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo na pinangunahan ni 1st Lieutenant Sales, nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde.

Nagtagal ang palitan ng putok sa loob ng 20 minuto hanggang sa nagawang tumakas ang mga kalaban patungong kanlurang direksiyon.

Nakarekobre ang militar ng anim na bala ng 5.56mm; apat na empty shell ng 5.56mm; tatlong piraso ng 7.62mm empty shell; at iba pang kagamitan ng mga rebelde gaya ng bota, tsinelas, tuwalya, itak, takip kaldero, at iba pa.

Batay pa sa report, wala namang nasaktan sa mga kawal ng pamahalaan ngunit hindi pa mabatid kung may nasugatan sa panig ng mga rebelde.