-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) at sugatan ang kanyang maybahay sa pananambang alas 6:15 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Karlitos Ambel Matalam alyas Kumander Dimas Ambel habang sugatan ang kanyang maybahay na si Rowena De Leon,Barangay Chairwoman ng Brgy Kilada Matalam North Cotabato at pamangkin nila.

Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang mga biktima sa kanilang sasakyan ng itoy tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Binawian ng buhay si Kumander Dimas Ambel at sugatan si Chairwoman De Leon at pamangkin nila na naisugod agad sa pagamutan.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.