-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang isang dalaga habang sugatan naman ang isa pang lalaki sa pamamaril ng miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Maasin, Iloilo. 

Kinilala ang mga biktima na sina Regiene Jun Esperidion, 24, residente ng Sitio Camansi, Brgy. Bolo, Maasin Iloilo; at Dexter John Cordero, 28-anyos, residente ng Sitio Sambag, Brgy. Dagami, Maasin, Iloilo .

Natukoy ng pulisya na pinsan ni Cordero na si Rene Maderable na siyang suspect sa naturang krimen.

Nagtamo ng sugat sa dibdid si Espiredion na siyang dahilan nang agarang pagkamatay nito, habang si Cordro naman ay may sugat sa kaliwang paa.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Fernand Limbungan, hepe ng Maasin Municipal Police Station, sinabi nito na nagkasagutan ang suspek at ang dalawang biktma bago nangyari ang insidente. 

Ayon kay Limbungan, sinabi ng suspect na hindi naman nito sadyang barilin ang mga biktima. 

Samtantala, ayon naman sa panig ng pamilya ng biktima, selos ang tinitingnang dahilan ng pamamaril ng suspek matapos nitong maabutang magkasama ang dalaga at kanyang pinsan. 

Ani Limbungan, desidong magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek na boluntaryong sumuko matapos ang krimen.