-- Advertisements --

Pinuri ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang magandang resulta na pag-uusap ng United Nations at Turke para mabuksan na ang mga pantalan nila at makadaan ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Zelensky na dahil sa ginawang hakbang ng Turkey at UN ay maibabalik na ang food supply sa world market.

Nakiusap din ito sa UN na dapat tuluyan na nilang palayasin ang mga Russians na humaharang sa kanilang mga pantalan sa Black Sea.

Nakatakda naman silang makipagpulong sa UN Secretary General para sa nasabing usapin.