Nasungkit ng Zamboangueña teen weightlifter na si Rose Jean Ramos ang 2 gold at 1 silver medal sa isinagawang World Youth Weightlifting Championship 2022 na ginanap sa bansang Mexico.
Si Rose Jean ay 16 years old at residente ng Barangay Mampang sa Zamboanga City.
Ang World Youth Weightlifting Championship ay isang weightlifting competition na nagsimula nuong June 11 hanggang 18, 2022 sa Leon, Mexico.
Nasa 205 ang competitors mula sa 39 na mga bansa.
Si Ramos ang siyang lonet bet ng Pilipinas para sa naturang kompetisyon.
Nakatapat nito ang 8 pang batang lifters mula sa Venezuela, Egypt, Turkey, Mexico, Bangladesh, Turkmenistan, Poland, Venezuela at Peru sa women’s 45 kg category.
Si Rose Jean ang nakababatang kapatid ni 31st Vietnam SEA Games bronze medalist na si Rosegie Ramos at nauna nang naiuwi ang 2 golds at 1 silver medal sa nagdaang 2021 Youth Worlds sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Oktubre.