-- Advertisements --

Xiumin at Chen ng EXO kasama ang iba pang Kpop artist, inaabangan sa kauna-unahang K-pop concert sa Cebu mamayang gabi

Excited na ang mga Cebuano na masaksihan nang live ang mga performances ng kanilang K-pop idol sa kauna-unahang K-pop concert sa Cebu na gaganapin sa Mactan Newtown open grounds, sa lungsod ng Lapu-lapu.

Magsisimula ang BE YOU 2: The World Will Care concert mamayang alas 6 ng gabi, Disyembre 8.

Magtatanghal sina Xiumin at Chen ng EXO, ang Queen of K-pop na si BoA, at U-Know Yunho at Max Changmin ng TVXQ.

Kagabi pa lang ay dumating na sa Cebu ang mga ito at mainit namang sinalubong ng kanilang fans sa Mactan airport.

Bukas naman sa alas 7 ng gabi,Sisyembre 9, magkakaroon din ang mga ito ng performance sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, kasabay ng event ay mahigpit na ipapatupad ng pulisya ang seguridad at magkakaroon naman ng re-routing sa ilang mga kalsada malapit sa venue.